Naglabas na ang hukuman ngayong Biyernes ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na nagbabawal ditong lumabas ng bansa, ayon sa Department of Justice.

Daraga Mayor Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo

“We received word that the Regional Trial Court at Legazpi City has issued a PHDO against Mayor Baldo in relation to the Batocabe case,” paliwanag ni DoJ Spokesman Undersecretary Mark Perete.

Aniya, tinugunan lang ng korte ang inihaing aplikasyon ng provincial prosecutor sa Albay nitong Enero 7 laban kay Baldo at sa anim na iba pang isinasangkot sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sa police security nitong si SPO2 Orlando Diaz, noong Disyembre 22 ng nakaraang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde, si Baldo ay kinasuhan ng double murder at six counts ng frustrated murder sa Albay Prosecutor’s Office.

Jeffrey G. Damicog