GAB, may respetadong ‘track record’ at tunay ang kalinga sa Pinoy boxers
KUMPIYANSA ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB) na ang hindi matatawarang ‘track record’ ng ahensiya hingil sa pangangasiwa ng professional sports sa bansa, higit sa kalidad ng boxing ang kalasag upang mapanatili ang tiwala ng Malacanang.
“Let’s wait and see. If President Duterte gives his thumbs-up and signs it into law, we’ll follow. The law is the law,” pahayag ni Masanguid sa kanyang pagbisita sa 7th TOPS “Usapang Sports” kahapon sa National Press Club sa Intramuros.
Ngunit, nilinaw ni Masanguid nab ago ito malagdaan, tiyak na tatanungin ang kanilang hanay at nagkakaisa ang kanilang kasagutan kasama ang kapwa Commissioner na si Eduard Trinidad at GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra: “Hindi nagkulang ang GAB sa kanilang mandato”.
“GAB track records speaks for itself. Mahuhusay ang mga opisyal na namuno sa GAB at sa aming termino isinulong naming sa ahensiay ang mga programa na higit na nagpaangat sa kalidad ng pro boxing, kabilang diyan ang libreng medical, drug test, CT scan at MRI.
“Last year, GAB was awarded Commission of the Year ng World Boxing Council (WBC). Sasabihin ni Presidente (Digong) nagtatranaho naman pala sila dyan,” sambit ni Masanguid.
Nakaamba ang banta na aalisin sa kapanhyarihan ng GAB ang pro boxing matapos lagdaan sa plenaryo ang isinusulong na batas ni Senator Manny Pacquiao na magtayo ng bagong Boxing Commission na may budget na P100 milyon.
Hindi lingid kay Pacquiao na marami ang hindi pabor sa naturang panukalang batas, higit ang komunidad ng mga promoter at match-maker, gayundin ang sektor ng mixed martial arts na nais ng Boxing Commission na mapasailalim sa kanilang kapangyariha.
“Hindi kami pabor dyan. Kontento na kami sa palalamakad ng GAB, dito na lang po kami,” pahayag ni Alvin Aguilar, pangulo at founder ng local MMA at jiu-jitsu.
Nilinaw ni Masanguid na bago lagdaan ang bagong batas, tinitimbang muna ng Pangulong Duterte anng lahat at sinisigurong para sa kapakanan ng lahat ang batas na maipapatupad.
At kung pagbabatayan ang budget, tiyak na dadaan ito sa butas ng karayom.
“ I am sure President Duterte will take a close look and hear all sides first before making a decision. Foremost on his mind will be the welfare of the boxing community, including the pro boxers themselves,” pahayag ni Masanguid, sinamahan ni GAB Boxing Committee Chief Jun Bautista sa lingguhang pulong na suportado ng Philippine Sports Commission at Kamuning Bakery.
Kasama ng GAB officials na dumalo sina NPC president Rolando Gonzalo,boxers Carl Jammes “Wonder Boy” Martin, Al “The Rock” Toyogon, trainor Ricardo Sueno at Diomel Diocos.
“President Duterte fully supports the GAB and its mandate to look after the welfare of all professional athletes,” pahayag ni Masanguid.
Aniya, sinuportahan ng Malacanang ang ginawang hosting ng GAB sa nakalipas na WBC Women’s Convention at Asia Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Nobyembre.
Ayon kay Bautista, maigting ang pakikipag-ugnayn ng GAB sa lahat ng stakeholders ng boxing, at hinihikayat ang mga promoter na magsagawa ng mas maraming laban upang makalikha nang maraming talento na posibleng maging susunod na Manny Pacquiao.
“We have seen a lot of young and talented Filipino boxers during our visits in the countryside. We encourage promoters to take them under the wing and help develop them,” pahayag ni Bautista.
”Sen.Manny (Pacquiao) will soon retire. But I am ure we have a lot of boxers ready to take his place,” aniya.
-EDWIN ROLLON