Kasabay ng paggunita ngayong Biyernes sa ikaapat na anibersaryo ng pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Forces (SAF), nanawagan ang Malacañang sa Office of the Ombudsman "[to] resolve with dispatch" ang mga kaso na nakasampa laban sa mga opisyal ng gobyerno na responsable sa nangyaring trahedya.

44 NA BAYANI Dumadaan ang isang operatiba ng PNP-SAF sa harap ng tarpaulin para sa 44 na nasawi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Ginunita ngayong Biyernes ang ikaapat na anibersaryo ng kabayanihan ng magigiting na SAF 44. ALI VICOY

44 NA BAYANI Dumadaan ang isang operatiba ng PNP-SAF sa harap ng tarpaulin para sa 44 na nasawi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Ginunita ngayong Biyernes ang ikaapat na anibersaryo ng kabayanihan ng magigiting na SAF 44. ALI VICOY

Sa pahayag ngayong umaga ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi niyang sinabi nito na nakikiisa ang Palasyo sa pagluluksa at paggunita sa trahedya na kumitil sa buhay ng 44 na police commando.

“We pay homage to the bravery and heroism of the 44 uniformed personnel of the Special Action Force known as the Fallen SAF 44. They offered and gave their lives for the country and the people," ani Panelo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"We continue to pray for the eternal repose of the souls of these gallant heroes who were recipients posthumously of the PNP Medal of Valor (Medalya ng Kagitingan) and as we share in the grief of their bereaved families," dagdag pa niya.

Hinikayat din ng opisyal ang Office of the Ombudsman na tutukan ang pag-usad ng kaso laban sa mga hinihinalang responsable sa massacre.

“The nation demands justice for them as well as the prosecution of those responsible for the botched police operation," giit ni Panelo.

Siniguro naman ng opisyal na hindi na muling mangyayari ang ganitong trahedya, na dapat umanong nagbigay aral sa mga awtoridad.

Kaugnay nito, siniguro ni Panelo na tutugunan niya ang reklamo ng isang kamag-anak ng SAF 44 na hindi pa umano nakukuha ang kabuuang pinansyal na tulong mula sa pamahalaan.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Helen Ramacula, ina ni PO2 Rodel Ramacula, na bagamat nagpapasalamat sila sa tulong ng pamahalaan para sa mga pamilya ng SAF 44, hindi pa umano nila nakukuha ang P87,000 sa ipinangakong P300,000 na tulong pinansyal.

Sinabi naman ng PNP na naipamahagi na nito ang pangakong financial assistance at benepisyo para sa mga kamag-anak ng namatay na SAF.

Matatandaang Enero 25, 2015 nang masawi ang 44 sa SAF sa Oplan Exodus sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, sa kamay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Pakay ng operasyon na madakip ang wanted na Malaysian terrorist at bomb-maker na si Zulkifli Abdhir, at ang iba pang Malaysian terrorists o mga high-ranking members ng BIFF.

Argyll Cyrus B. Geducos