Walang nakikitang mali ang gobyerno sa pagtatrabaho sa bansa ng mga manggagawang Chinese, dahil kapos tayo sa mga bihasang construction worker na Pinoy.

Ito ang naging reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod na rin ng pagkaalarma ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa presensya ng mga Chinese worker sa bansa, na umookupa sa mga trabaho na dapat sana ay para sa mga Pinoy.

Kinontra ni Panelo ang pahayag ni Aquino at sinabing walang masama sa pagkakaroon ng bansa ng mga manggagawang Chinese basta dokumentado ang mga ito.

“Sabihin na lang natin, if he is concerned, we will also be concerned if his basis is correct,” sabi ni Panelo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We lack so many construction workers. Siguro that’s why maraming Chinese na kinukuha dahil walang mga Pilipino.”

Ayon pa kay Panelo, maraming Pinoy ang walang trabaho dahil sinasabi ng mga ito na hindi akma ang kanilang kakayahan sa mga bakanteng trabaho.

“Maraming Pilipinong walang trabaho and yet they lack the skill so we need to teach need. And most likely ‘yan ang magandang project ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority),” ayon pa kay Panelo.

-Argyll Cyrus B. Geducos