HUMIHINGI ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa pambansang pamahalaan ng P7.93 bilyong pondo na gagamitin sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga rehiyon na binayo ng bagyong “Ompong” at “Rosita” noong 2018.

Balak gamitin ang pondo para sa muling pagtatayo ng mga nasirang gusali ng pamahalaan, mga bahay at para sa kabuhayan ng mga naapektuhan ng bagyo noong Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon.

“The master plan to restore the socio-economic conditions in the disaster-affected areas with high level of resilience and reduced poverty was prepared by the Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council’s (CDRRMC) committee on recovery and rehabilitation composed of mostly government agencies and led by the National Economic and Development Authority (NEDA). It will be submitted to the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) with the hope of getting its quick response budget to fund the proposals,” paliwanag ni NEDA supervising economic development specialist Marie Olga Difuntorum, nitong Lunes.

Bahagi rin ng plano ang short at medium-term projects para sa kabuhayan o negosyo, agrikultura at pangisngisda, pabahay, serbisyo sa publiko, mga imprastruktura at para pangangalaga ng kapaligiran.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mula sa kabuuang halaga, P16.9 bilyon ang hihingin sa NDRRMC; P543.16 milyon ay popondohan ng mga rehiyunal na ahensiya; P338.94 milyon ang magmumula sa local government units, at ang P144.48 milyon ay magmumula sa non-government sources.

Nakatuon ang mga programang plano sa pasasaayos at rehabilitasyon ng mga farm-to-market road, flood control facilities, mga tulay, road slope protection, drainage, at irigasyon.

Isasaayos din ang mga gusali ng mga munisipyo, gymnasium, mga evacuation centers, barangay clinic, day care centers, warehouse, at pagtatayo ng regional evacuation center.

Sinabi ni Difuntorum na base sa Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) report, nakapagtala ang Cordillera ng P21 bilyong halaga ng pinsala dulot ng dalawang nagdaang bagyo na tumama sa rehiyon.

Gayunman, dahil sa agarang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, bumaba na sa P17 bilyon ang kinakailangang pondo.

Samantala, sinabi naman ni Office of the Civil Defense Cordillera (OCD) Regional Director Albert Mogol na ang planong rehabilitasyon at recovery plan para sa rehiyon “will determine the extent of the damage left by a disaster.”

Aniya, nakatuon ngayon ang Cordillera DRRMC sa ‘mitigation aspect’ ng kalamidad sa pamamagitan ng mga flood control at slope protection measures.

“The DPWH (Department of Public Works and Highway) has said that slope protection will be included as a component of road projects to make sure that water will have its own access and will not seep on concrete and damage the road as well as cause the mountain to erode,” sinabi ni Mogol.

“The national government is really helping us. They are committed in supporting us to be a disaster prepared and resilient region,” dagdag pa niya.

PNA