MALAPIT na ang presscon ng TODA One I Love, ang political rom-com ng GMA Public Affairs na mapapanood sa GMA-7 simula sa February 4. Tampok sa serye ang tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid, sa direksiyon nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka.

kylie at Ruru

Sa presscon, malalaman natin kung paano in-incorporate sa rom-com ang usaping pulitika at kung magtatagumpay ba ang show? Wala bang masasagasaang mga kumakandidato sa airing ng TODA? Wala bang magrereklamo at ano ang gagawin nila kung may magreklamo?

Matatanong din natin si si Kylie tungkol sa aksidenteng nangyari sa kanya sa taping ng TODA, nang tamaan siya ng suntok ng stuntman na kaeksena niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento ni Kylie, nahilo siya at ipinakita ang pamumula ng kanyang right cheek.

Agad nilapatan ng first aid si Kylie, pero dinala pa rin siya sa hospital para ipa-X ray. Natuwa naman ang production ng show at si Kylie na clear ang result ng X-ray at walang gaanong nangyari.

Kita ang pagkabahala ng stuntman na kaeksena ni Kylie, na baka nasaktan niya ang aktres, kaya inalalayan niya ito at itinayo. Sabi naman ni Kylie, hindi maiwasan ang mga ganung aksidente, at mabuti na sanay siya sa mga ganung aksidente dahil nagte-training siya ng martial arts.

“Isa pang aabangan soon sa GMA Telebabad. Thank you so much for another wonderful opportunity and such a charming character. Yakang yaka,” sabi ni Kylie.

Sa teaser na ipinalalabas, tigasing tricycle driver ang role si Kylie bilang si Gelay. Mga role naman ang talagang bagay na bagay sa kanya.

-Nitz Miralles