Aarangkada na sa Sabado ang early registration program ng Department of Education (DepEd) para sa mga papasok sa mga pampublikong eskuwelahan para sa school year 2019-2020.

Ayon sa DepEd, kabilang sa dapat magpa-early registration ang mga papasok sa kindergarten, at sa Grades 1, 7, at 11.

Layunin ng early registration na matukoy kung gaano karaming bata ang magpaparehistro sa mga paaralan sa susunod na taon.

“Kailangan na naming mag-estimate, for example sa budget. This is also in preparation ng ating mga schools on the ground, division superintendent, and regional directors kasi nabubulaga tayo na maraming mga bata,” ayon kay Education Undersecretary Annalyn Aevilla.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Batay sa taya ng DepEd, nasa isang milyon ang papasok sa kindergarten sa susunod na taon, at 1.5 milyon naman sa senior high school.

Nabatid na tatagal ang early registration hanggang sa Pebrero 25.

“One month po ‘yan sa mga eskuwelahan, meron po tayo doong registration desks,” ayon kay Sevilla.

Ang mga papasok naman sa Grades 2-6, Grades 8-10, at Grade 12 ay hindi na kailangang magpalista sa early registration.

Kaugnay nito, plano ng DepEd na suyurin at hanapin ang mga street children, out-of-school youth, at iba pang indibiduwal na gusto pang mag-aral, upang bumalik sa eskuwelahan sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

-Mary Ann Santiago