Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang dalagita makaraang gumamit umano ng sikat na party drug na “Strawberry Quick” sa kasagsagan ng selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Supt. Maria Aurora Rayos, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, na sinimulan na nila ang imbestigasyon makaraang makumpirma ang insidente ng pagkasawi na may kinalaman sa party drug sa Cebu City.

“It was our Regional Director (Chief Supt. Debold Sinas) who sent investigators to the house of the alleged victims to shed light on that report,” sinabi ni Rayos sa BALITA.

Batay sa paunang detalye na nakalap ng pulisya, kasama ng dalagita ang kanyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente nitong weekend.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Sinabi ng pulisya na nais makipagtulungan ng pamilya ng teenager, pero nagluluksa pa sila sa ngayon.

“They told our investigators that they will file the necessary complaints after the burial,” ani Rayos.

Kinumpirma rin ni Derick Carreon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang pagkamatay ng teenager sa Sinulog Festival, na inilarawan niyang party drug overdose.

Aaron Recuenco

investigators to the house of the alleged victims to shed light on that report,” sinabi ni Rayos sa BALITA.

Batay sa paunang detalye na nakalap ng pulisya, kasama ng dalagita ang kanyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente nitong weekend.

Sinabi ng pulisya na nais makipagtulungan ng pamilya ng teenager, pero nagluluksa pa sila sa ngayon.

“They told our investigators that they will file the necessary complaints after the burial,” ani Rayos.

Kinumpirma rin ni Derick Carreon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang pagkamatay ng teenager sa Sinulog Festival, na inilarawan niyang party drug overdose.

-Aaron Recuenco