NARINIG ni Anne Curtis ang panawagan sa Twitter ng grupong Gabriela kaugnay ng planong ibaba sa siyam na taon ang criminal responsibility ng isang tao.
“We encourage other actors and other personalities to also make their own stand against lowering the minimum age for criminal responsibility,” tweet ng Gabriela.
Una nang kinontra ni Dingdong Dantes, kasama ng iba pang mga celebrity, ang pag-apruba ng House Committee on Justice sa pagpapababa ng criminal responsibility from 15 years old to nine years old.
Tweet naman ni Anne: “Nakakalungkot isipin na ibaba nila ang criminan responsibility to the age of 9. At that age, they are still very much children. They still have a chance to change their ways if they happen to cause or get into any trouble instead of being sent to jail & sentenced as an adult.”
Pero gaya kay Dingdong, may mga sumang-ayon at mayroon ding kumontra sa naging pahayag ni Anne. Ipinaalala ng ilang netizens kay Anne na karamihan sa mga nasasangkot sa krimen ay mga bata, at mga paslit din ang ginagamit ng sindikato sa krimen, dahil nga nakalulusot sila sa parusa bilang mga menor de edad.
Anyway, nakakatuwa lang na ginagamit nina Anne at Dingdong ang kanilang influence para magpahayag ng kanilang saloobin sa isyung ito, na ang mga bata ang sangkot.
-NITZ MIRALLES