MELBOURNE, Australia (AP) — Isang puntos lamang ang agwat ni Serena Williams para sa kasaysayan. Ngunit, hindi niya tadhana ang Australian Open.

NEXT TIME! Pinabaunan ng ‘goodluck’ ni Serena Williams (kanan) si Karolina Pliskova ng Czech Republic matapos ang kanilang duwelo sa quarterfinal match ng Australian Open tennis championships nitong Martes sa Melbourne, Australia. Nakausad si Pliskova sa semifinals ng major tournament matapos ang masugatan sa pagatake ng magnanakaw sa kanyang bahay noong 2006. (AP)

NEXT TIME! Pinabaunan ng ‘goodluck’ ni Serena Williams (kanan) si Karolina Pliskova ng Czech Republic matapos ang kanilang duwelo sa quarterfinal match ng Australian Open tennis championships nitong Martes sa Melbourne, Australia. Nakausad si Pliskova sa semifinals ng major tournament matapos ang masugatan sa pagatake ng magnanakaw sa kanyang bahay noong 2006. (AP)

Matikas na nakihamok ang 23-time major champion at isang puntos lamang ang kailangang maabot para sa tagumpay, ngunit nagtamo siya ng sprained sa kaliwang paa sa kanyang quarterfinal match kontra No.7 seed Karolina Pliskova ng Czeck Republic sa Melbourne Park nitong Miyerkules.

Sa kaganapan, naipatalo ni Williams ang apat na puntos tungo sa 6-4, 4-6, 7-5 kabiguan kay Pliskova.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I was almost in the locker room,” pahayag ni Pliskova, naghahabol sa 1-5 sa third set bago ang mapait na pagkakataon kay Williams. “But now I’m standing here as the winner.”

Imbes na maisakatuparan ni Williams ang kampanyang makamit ang ikawalong Australian Open title at record-tying 24th Grand Slam title sa kabuuan, ang pangarap ni Pliskova na masungkit ang unang major title ang aabangan ng tennis fans.

Sa semifinals, makakaharap ni Pliskova si No. 4-seeded Naomi Osaka, umusad nanang gapiin si No. 6 Elina Svitolina 6-4, 6-1.

Nahila ni Osaka ang Grand Slam winning streak sa 12 laro at lumapit ang 21 anyos Japanese sa ikalawang major title.

“I tried to be consistent,” sambit ni Osaka, umusad sa Australian Open Final Four sa unang pagkakataon.

Sa men’s action, nakatakdang magtuos sa quarterfinals sina 2016 Wimbledon runner-up Milos Raonic at No. 28 Lucas Pouille, habang magtututos sina 14-time major champion Novak Djokovic at 2014 U.S. Open finalist Kei Nishikori.

Nakausad naman sa semifinals si Rafael Nadal ng Spain nang gapiin si American Frances Tiafoe, 6-3, 6-4, 6-2.

“I feel lucky to be where I am after all the things I went through,” pahayag ni Nadal, napilitang umayaw sa quarterfinal sa Melbourne Park sa nakalipas na season bunsod ng uinjury.

Nakamit ni Nadal, 32, ang ika-30 major semifinal, habang nabigo si Tiafoe na makarating sa Final Four ng major – dalawang araw matapos magdiwang ng ika-21 kaarawan