Ilang araw bago ang pinakahihintay na rubber match sa pagitan nina Geje “Gravity” Eustaquio at Adriano “Mikinho” Moraes, ang ONE World Champions na tumulong sa training ni Eustaquio ay kampanteng mananalo siya.

Ang ONE Lightweight World Champion Eduard Folayang at ONE Bantamweight World Champion Kevin Belingon ay umaasa sa kanilang Team Lakay stablemate na madepensahan ang korona mula kay Moraes sa ONE: HERO’S ASCENT na gaganapin sa Mall Of Asia Arena dito sa Manila sa Enero 25.

Ang pares ay nakasama ni Eustaquio nung naghahanda siya para sa laban at tinutulungan sa kanyang training habang si coach Mark Sangiao ay nasa Jakarta, Indonesia para sa World Title defense ni Joshua Pacio.

“I have seen Geje’s relentless desire to learn more and improve,” sabi ni Belingon

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“We feel his hunger to be the ONE Flyweight World Champion for a long time. Geje is now a complete fighter, and I'm definitely sure that he will get the victory.”

Simula noong napasuko siya ni Moraes apat na taon nang nakararaan, nagpakita na si Eustaquio ng malaking pagbabago bilang isang mixed martial artist.

Para kay Folayang, ang malaking pagbabago kay Eustaquio ay hindi maikakaila at nararamdaman niyang ito ang magiging susi upang matalo si “Mikinho”

“His performance against Moraes back in June is a testament that Geje is a totally different martial artist today. Geje is so dangerous,” sabi ni Folayang.

"He is capable of solving the problems that Moraes will present in their trilogy. I am 100 percent confident that Geje will retain his title on 25th of January.”