IBA’T IBA ng opinyon ng mga senador nitong Martes hinggil sa panukala na layong pababain ang minimum age ng criminal responsibility mula sa kasalukuyang 15 taong gulang.
Pending pa rin ang panukalang batas na isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III na layuning ibaba sa edad na 12 ang criminal liability, at iginiit niya na ang naturang edad ang karaniwang batayan sa lahat halos ng bansa sa mundo.
“Panahon pa ni Quezon, nine years old na criminal responsibility when acting with discernment. Twelve years, ‘yun bill ko, like most countries worldwide. ‘Pag may nang-rape o pumatay na 13 years old, okay lang? Tell that to the parents of the [sic] victims,” sabi ni Sotto sa kanyang Twitter post.
Una nang inihayag ni Sotto na “majority of the senators” ang sumang-ayon na pababain ang edad ng criminal responsibility. Gayunman, mukhang hindi ito ang kaso dahil hati ang opinyon ng mag senador sa isyu.
Pumasa na sa House of Representatives ang panukala sa committee level nitong Martes.
Samantala, pinag-aaralan pa rin ng mga Senate justice panel ang panukala na gawing 12 taon ang minimum age ng criminality.
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hindi niya susuportahan ang panukala sa tatlong kondisyon: “If the youth offender is proven to have acted with discernment, sentencing is suspended until the offender reaches the age of majority, and there are enough reformative facilities.”
Aniya, ang edad na siyam ay “too young” para sa criminal liability.
Giit naman ni Senator Sherwin Gatchalian, ituon na lang ang pansin sa rehabilitasyon ng mga batang nagkasala “through more constructive and nurturing means” kaysa “outright imprisonment.”
“Lowering down the age of criminal responsibility to nine years old is not the most effective solution to curb criminality in our communities. Children belong in schools, not in jails,” sabi ni Gatchalian.
Ayon naman kay Senator Grace Poe, ang pagpapababa sa minimum age ng criminal responsibility ay “anti-poor” dahil karamihan sa mga batang lumalabag sa batas ay mula sa mahihirap na pamilya at wala silang maayos o mahusay na access sa legal services.
“Holding children as young as nine years old criminally liable will not address the root causes of juvenile offenses. If they are indeed being used by syndicates, then law enforcers should go after these syndicates victimizing the children. Let’s save the children instead of incarcerating them,” sabi pa ni Poe.
PNA