Dallas, angat sa LA Clippers; Anthony, inilipat sa Bulls

DALLAS (AP) — Binalewala ni Dennis Smith Jr. ang napabalitang trade nang pangunahan ang Dallas Mavericks sa naiskor na 17 puntos at walong rebounds sa matikas na 106-98 panalo kontra Los Angeles Clippers nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

SABAY KA PA! Binuwag ni Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo, nangungunang contender para sa MVP, ang depensa ng sumisikat na rookie na si Dallas Mavericks Luka Doncic sa kainitan ng kanilang duwelo sa NBA nitong Lunes. (AP)

SABAY KA PA! Binuwag ni Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo, nangungunang contender para sa MVP, ang depensa ng sumisikat na rookie na si Dallas Mavericks Luka Doncic sa kainitan ng kanilang duwelo sa NBA nitong Lunes. (AP)

Nagawa ni Smith ang dalawa sa apat na assists sa layup at alley-oop dunk ng katropang si DeAndre Jordan sa fourth period. Kumana si Jordan ng 13 puntos, 16 rebounds at apat na blocks laban sa dating koponan sa nakalipas na 10 season.

Kumana rin si Rookie sensation Luka Doncic, sentro ng Mavericks programa na nagpababa sa playing time ni Smith, ng 17 puntos, tampok ang key jumper para makaalpas ang Dallas tungo sa ikatlong panalo sa huling 10 laro.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Nanguna si Patrick Beverley sa Clippers sa naiskor na 16 puntos, habang tumipa si Avery Bradley at Lou Williams ng tig-15 puntos.

Nanguna si Harrison Barnes sa Mavs sa naiskor na 20 puntos, tampok ang tatlong three-pointer.

Bunsod ng matibay na depensa, nagawang mapigilan ng Mavs ang Clippers sa 16 na sunod na tira sa second second half, kabilang ang huling 15 sa third quarter.

THUNDER 123, BLAZERS 114

Sa Oklahoma City, pinawi ng Thunder, sa pangunguna nina Paul George na may 36 puntos at walong rebounds, at Russell Westbrook na tumipa ng triple-double – 29 puntos, 14 assists at 10 rebounds -- ang mainit na Portland Trail Blazers.

Nag-ambag sina Steven Adams at Terrance Ferguson ng tig-14 puntos para sa Oklahoma City, natuldukan ang three-game losing streak sa Portland sa Chesapeake Energy Arena.

Kumubra si Damian Lillard ng 34 puntos at walong assists, habang umiskor si C.J. McCollum ng 31 puntos para sa Portland, natuldukan ang three-game winning streak, habang kumana si Jusuf Nurkic ng 22 puntos at 15 rebounds.

Maliban kay McCollum na may 7-of-12 sa three-point range, malamig ang opensa ng Blazers sa long distance sa naikanang 10-for-36. Kumana naman ang Oklahoma City ng 11-of-23 three-point attempts.

Dumikit ang Blazers sa 109-106 mula sa ikapitong three-pointer ni McCollum may 5:07 ang nalalabi sa laro, ngunit humataw si George ng krusyal na jumper para mailayo ang Thunder.

RAPTORS 120, KINGS 105

Sa Toronto, nanatiling nasa bench ang leading scorer na si Kawhi Leonard, ngunit walang problema sa Raptors.

Hataw sina Kyle Lowry at Fred VanVleet ng tig-19 puntos, habang nagsalansan si Pascal Siakam ng 18 puntos para sandigan ang Raptors kontra Sacramento Kings.

Humugot si Serge Ibaka ng 15 puntos at 10 rebounds para mahila ng Raptors ang home winning streak sa 10. Tangan ng Toronto ang franchise record na 12 sunod na home victory.

Humirit si C.J. Miles ng season-high 15 puntos at tumipa si Norman Powell ng 11 puntos para maitala ang ikawalong panalo sa siyam na laro kahit wala si Leonard,nagmintis sa ikatlong sunod na laro para maipahinga.

Nanguna sa Kings si rookie Marvin Bagley sa naiskor na career-high 22 puntos at 11 rebounds, habang tumipa sina Bogdan Bogdanovic at Brady Hield ng 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.