MAHIGIT 400 babae mula sa mahihirap na pamilya sa 43 barangay ng lungsod ng Batac sa Ilocos Norte ang nakatanggap kamakailan ng libreng grocery items mula sa Mariano Marcos State University (MMSU), para sa pagsusulong ng pagpapaunlad na programa ng unibersidad.

Ang aktibidad ang pangunahing tampok sa Community Day, na idinaos sa covered court ng unibersidad, na magiging bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng ika-41 taon ng pagkakatatag ng unibersidad na may temang: “MMSU @ 41: Making Lifelong Learning an Opportunity for All”.

“We call it community day, because some of these women and their family members are also beneficiaries of MMSU extension activities in line with agriculture, livestock, rice and vegetable productions, and animal and seed dispersal programs,” paliwanag ni Dr. Aris Reynold Cajigal, extension directorate ng MMSU.

“This is also one way of sharing to them the many blessings that MMSU has received in the last 41 years. And we want to give these goodies as post-Christmas gifts to them who literally belong to the low-income families of this city,” pahayag ni Cajigal, kasabay ng pagbabahagi na karamihan sa mga nabigyan ng ayuda ay mga benepisyaryo rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan, isang conditional cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw

Aniya, ang mga nakatanggap na benepisyaryo ay masusing pinili ng City Social Welfare Office.

Ipinagmalaki naman ni Cajigal na hindi gumastos ang unibersidad ng anumang salapi upang bumili ng grocery times dahil ang ipinambili sa mga ito ay boluntaryong ibinahagi ng mga estudyante, mga opisyal, at mga empleyado ng MMSU.

Bawat paketeng ibinahagi ay naglalaman ng mga de-latang pagkain, instant noodles, bigas at iba pang pagkain. Bukod sa libreng pagkain, tinuruan din ang kababaihan kung paano ang pagpoproseso ng simple at katutubong pagkain sa pamamagitan ng demonstration activities na isinagawa ng mga eksperto mula sa MMSU College of Industrial Technology.

“Giving them free food is something, but teaching them to process food items and engage in a small business is a lifelong personal accomplishment,” ani Cajigal.

Samantala, lubos naman ang kaligayahan ni MMSU President Shirley C. Agrupis sa pakikiisa ng kababaihan sa pagdiriwang ng ika-41 anibersaryo ng pagkakatatag ng MMSU.

Inihayag din niya ang pagbubukas ng Food Innovation Center (FIC) ng unibersidad na layuning masuportahan ang maliliit na negosyo.

“We want you to know that FIC, which is one of the programs of the Department of Trade and Industry, is mandated to train people like you in food processing so that you might engage into a more profitable business someday,” pahayag ni Agrupis, at hinikayat ang kababaihan na bumuo ng organisasyon o kooperatiba, “so that we can start helping you put up a small business.”

PNA