JAKARTA -- Balik sa ilalim ng kanyang weight class si Team Lakay mainstay Joshua “The Passion” Pacio matapos mabitiwan ang ONE Strawweight world championship kay challenger Yosuka Saruta ng Japan nitong Linggo sa ONE: Eternal Glory sa Istora Senayan sa Indonesia.

Kinapos ang Pinoy fighter na malayo sa kanyang porma nang makuha ang titulo sa ONE: Conquest of Heroes nitong September 2018 sa Jakarta Convention Center.

Inamin ng 23-anyos Team Lakay fighter na kailangan niyang magsimula muli sa pagsasanay.

“Mag-agree man ako o hindi, yun and naging decision. So next time na lumaban ulit tayo, dapat talaga mas convincing na para panalo,” pahayag ni Pacio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inamin ng tinaguriang “The Passion” ang mga pagkakamali.

“Alam ko pagkukulang ko dun naging sobrang defensive ako. Siya yung forward ng forward. Di ko alam kung siya mas maraming tinama o ako. Oo, na take-down niya ako pero di naman na-control ng matagal,” aniya.

Aniya, hindi sana nakaporma si Saruta kung nagpursige siya ng todo.

“Sa tingin ko, oo naging factor din yun. Pero nasa sa akin din yun e. Siguro kung medyo nagwork pa ako kaunti sa laban siguro sa akin napunta yung decision,” pahayag ni Pacio.

“Nung fifth round, feeling ko papunta na siya sa split. Pinilit ko siyang i takedown, pero talagang matigas. Nagpapalitan kami sa cage, biglang ako yung na take-down niya,” pahayag ni Pacio.

Nais ni Pacio ang rematch, ngunit depende ang kaganapan sa magiging desisyon ng ONE management.

“Ok din ako sa rematch. Gusto ko yun. Maghahanda talaga ako. Pero depende sa ONE yan,” pahayag ni Pacio.

“Para sa akin, itong laban na to malaking experience to. Marami pa akong kakainin. Pero yun, mas lalo pa ako motivated mag-training,” aniya.

-BRIAN YALUNG