NANG mapanalunan ng Fil-Am actor na si Darren Criss ang kanyang unang Golden Globe para sa Best Performance by an Actor in a Limited Series or Motion Picture Made for Television para sa kanyang pagganap sa award-winning na The Assassination Of Gianni Versace: An American Crime Story, all Pinoys went wild.

Golden Globes

Nagdiwang ang lahat ng Pinoy sa International Ballroom of the Beverly Hilton, sa Fox Searchlight/FX Viewing Party, o sa mga dumalo sa red carpet. Parang nagwagi sila sa lottery.

Umukit ng kasaysayan si Darren bilang ang unang Fil-Am na nakasungkit ng Golden Globe trophy, kaya ito ay double victory. Lalo namang nagpalakpakan ang mga Pinoy nang pasalamatan ni Darren ang ina niyang Pinay na mula sa Cebu.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bukod kay Darren, dumalo rin sa event ang ilang Filipino designers habang ipinapakita ang kanilang mga talento sa Hollywood’s red carpet kahanay ang mga beterano. Binihisan ni Monique Lhuillier ang bituin ng The Big Bang Theory na si Kaley Cuoco, presenter-actress Amber Heard, comedienne at asawa ng nominee na si Sacha Baron Cohen, si Isla Fisher, at ang aktres na si Emmy Rossum sa Golden Globe night.

Makisig namang dumalo sa pagtitipon ang fashion designer na si Francis Libiran, kasama ang asawa nitong si chef Christian Mark Jacobs, kanyang manager na si Arsi Baltazar at marketing and events manager na si Victor Harry Cruz Hartman.

Idinisenyo naman ng LA-based fashion designer na si Oliver Tolentino ang tux na suot ng aktor na si Jon Jon Briones, kabilang sa cast ng The Assassination Of Gianni Versace, na nakasungkit sa Best Limited Series in the TV category. Binihisan din ni Oliver si dating Miss Universe Margaret Gardiner sa red off-shoulder gown.

Nakuha naman ng young and talented fashion designer na si Kenneth Barlis mula sa San Diego ang Best Dressed nod mula sa LA Times para sa kanyang green creation para sa host na si Jeannie Mai sa Golden Globes night.

Samantala, binihisan naman ng Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco ang aktres na si Lana Condor ng To All The Boys I’ve Loved Before sa Netflix after-party at Crazy Rich Asians actress na si Fiona Xie (siya ang gumanap na Kitty Pong sa blockbuster movie).

Ang iba pang designers na present sa Golden Globes ay sina Alan del Rosario kasama ang mga kaibigang si Jereme Hall, si Puey Quinones kasama ang aktor na si Raymond Gutierrez at ang LA-based fashion designer na si Joey Galon.

Present din ang dating beauty queen at ngayon ay Emmy award-winning producer na si Lisa Manibog Lew at hubby nitong si Peter Brennan sa Globes after-parties, pati si “America’s favorite dermatologist” at TV show host na si Dr. Tess Mauricio at asawang si Dr. James Lee.

Unang beses namang dumalo sa pagtitipon sina Helen Limcaoco at asawa niyang si TG Limcaoco ng Ayala Corporation.

-JANET NEPALES