Wala pa ring inilalabas si Pangulong Duterte na listahan ng mga susuportahan niyang kandidato sa pagkasenador para sa May 13 midterm elections ngayong taon.

Ito ang nilinaw ng Malacañang kahit pa malinaw na pinapaboran ng Presidente ang tatlong kandidato.

Sa isang pulong balitaan kahapon sa Malacañang, binanggit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung paano ikinakampanya ni Duterte sina dating Special Assistant to the President Bong Go, at dating Presidential Adviser for Political Affairs Francis Tolentino.

“Bong Go, who is headed obviously for the Senate. From what I observed from the response he was getting from the people there. Just like Francis Tolentino, he’s also receiving warm reception,” ani Panelo.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Ang tinutukoy ni Panelo ay ang naging tugon ng publiko kay Go nang samahan nito si Duterte sa pagbisita sa burol ng namayapang pilantropo na si Henry Sy, Sr. sa Taguig, nitong Linggo.

“So far ‘yun lang ang naririnig kong mga pangalan: Bong Go, Francis Tolentino at dating Philippine National Police chief, Ronald Dela Rosa,” sabi pa ni Panelo.

Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na wala pa ring pinal na listahan ng mga kandidato sa pagkasenador ang Pangulo.

“None that I know of as this time. As of this time. None that I know of,” sabi nito.

Nasa kamay na rin, aniya, ni Duterte kung ang gagamitin nitong listahan ay ang inilabas ng political party nito na PDP-Laban, o ang Hugpong ng Pagbabago, na partido ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

-Argyll Cyrus B. Geducos