ISYU sa professional boxing ang sentro ng usapin sa ilalargang 7th "Usapang Sports" ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes, Enero 24, sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Martin (kaliwa) at Toyogon (kanan)

Martin (kaliwa) at Toyogon (kanan)

Tampok ang dalawang sumisikat na fighters – sina World Boxing Association (WBA) Asia bantamweight champion Carl Jammes "Wonder Boy" Martin at World Boxing Council (WBC) Asia super featherweight titlist Al "The Rock" Toyogon – bilang panauhin sa TOPS weekly forum ganap na 10:00 ng umaga.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Magbibigay naman ng kanilang pananaw hingil sa mga kaganapan sa boxing at iba pang pro sports sina Games and Amusement Board (GAB) commissioners Mar Masanguid at Eduard Trinidad.

Nakatakdang sumagupa si Martin, pambato ng Lagawe, Ifugao, kontra Petchchorhae Kokietgym ng Thailand sa Pebrero 16. Tangan ng 19-anyos ang impresibong 11-0 karta, tampok ang 10 knockouts. Nakamit niya ang titulo nang pabagsakin sa ikaapat na round si Moon Chul Suh ng Korea nitong Oct. 27.

Hawak naman ni  Kokietgym ang 17-2 marka, kabilang ang walong KOs.

Itataya naman ni Toyogon ang korona kontra  Ryusei Ishii ng Japan sa ‘Night of Champions XVI’, sa pangangasiwa ng beteranong promoter-matchmaker na si Bebot Elorde, sa Sabado (Enero 26) sa Elorde Sports Center sa Parañaque.

Kabilang sa mga bagong talento ng bansa, hawak ng 20-anyos mula sa Gingoog City, Misamis Occidental,  ang ring record na 9-2-1, tampok ang anim na knockouts.

Makakasama rin ni Elorde sa lingguhang programa na suportado ng Kamuning Bakeshop, sina Ricardo Sueno at Diomel Diocos, na magtutuos para sa bakanteng WBC Asia flyweight cgampionship.

Hiniling ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonight ang publiko, higit ang mga opisyal at miyembro ng asosasyon na makiisa sa pagtitipon.