Sinusubakang makuha ng Taiwanese rescue teams ngayong Martes ang katawan ng isang namatay na hiker na sumikat sa social media sa pagkuha ng selfies sa tuktok ng bundok na nakasuot ng bikini.

(Facebook/Gigi Wu)

(Facebook/Gigi Wu)

Si Gigi Wu, kilala bilang “Bikini Climber” ay gumamit ng satellite phone noong Sabado para ipaalam sa kanyang mga kaibigan na nahulog siya sa bangin sa Yushan National Park sa Taiwan at nagtamo ng mga sugat.

Nahirapan ang mga rescue helicopters na mapuntahan si Wu dahil sa masamang panahon pero natagpuan din siya ng mga opisyal na wala nang buhay noong Lunes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“The weather conditions in the mountains are not good, we have asked our rescuers to move the body to a more open space and after the weather clears we will make a request for a helicopter to bring the body down,” sinabi ni Lin Cheng-yi, mula sa Nantou County Fire and Rescue Services.

Sinabi ng mga opisyal na binanggit ni Wu sa kanyang mga kaibigan na hindi niya maigalaw ang ibabang parte ng kanyang katawan matapos mahulog nang 20-30 na metro pero nakapagbigay pa siya ng coordinates.

New Taipei City native  na si Wu, 36 anyos, ay bumuo ng malaking social media following dahil sa mga larawan niyang nasa itaas ng bundok at nakasuot ng bikini.

Nagsusuot siya ng mga damit pang-hiking kapag umaakyat ng bundok at nagpapalit na lamang ng bikini kapag nasa itaas na siya.

Sa kanyang interview sa isang local channel sa FTV nung nakaraang taon, sinabi niya na nakaakyat na siya sa 100 na bundok sa loob ng apat na taon.

“I put on a bikini in each one of the 100 mountains. I only have around 97 bikinis so I accidentally repeated some,” sabi niya.

Nang tanungin kung bakit niya ginagawa ito, sinabi niya na: “It just looks so beautiful, what’s not to like?”

Ayon kay Lin, top rescue team ang umakyat sa bundok nang 28 na oras para mahanap ang katawan ni Wu at natulog lamang sila ng 3 oras dahil unti-unting bumababa ang temperatura.

-AP