ILIGAN CITY – Napatay ang isang sundalo matapos makasagupa ng tropa nito ang grupo ng mga armadong lalaki sa Sibuco, Zamboanga del Norte, nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Col. Bagnus Gaerlan, hepe ng 102nd Infantry Brigade (IB) na nakabase sa Ipil, Zamboanga Sibugay, hindi muna nila ilalabas ang pagkakakilanlan ng napatay na sundalo hangga’t hindi pa naipapalaam sa pamilya nito ang insidente.

Nilinaw nito, ise-serve sana ng mga tauhan nito, kasama ang mga awtoridad, ang warrant of arrest laban kay Basiran Ahil Mudja, sa kasong murder at attempted murder, nang maganap ang15 minutong engkuwentro.

“Pursuit operation has been conducted to arrest and neutralize the armed group who also suffered casualties based on the bloodstains left in the encounter site,” sabi pa ni Gaerlan.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

-Bonita L. Ermac