Tinapos ni Magnolia coach Chito Victolero ang tatlong taong pamamayagpag ni San Miguel Beer’s Leo Austria bilang Coach of the Year ng Philippine Basketball Association (PBA).

Chito Victolero copy

Si Victolero ang nakatakdang parangalan ngayong gabi bilang Coach of the Year sa 25th anniversary presentation ng PBA Press Corps Annual Awards Night sa Novotel Manila Araneta Center.

Nakatakdang iuwi ni Victolero ang Virgilio “Baby” Dalupan trophy mula sa grupo ng mga sportswriters na regular na nagku-cover ng PBA beat matapos nyang bigyan ang Hotshots ng championship sa nakarsang taong Governors Cup.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinalo din ng 43-anyos na si Victolero maliban kay Austria si Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Ang paggagawad ng Coach of the Year award ang magsisilbing tampok na bahagi ng okasyon na ihahatid ng live ng Cignal TV.

Gaya ni Victolero, nagwagi din ng kampeonato noong nakaraang taon ang kanyang mga nakatunggaling mga kapwa coaches ng mga koponang pag-aari ng San Miguel Corporation. Ngunit sa tatlo, ang hawak nyang koponan ang maituturing na pinakabagito.

Sa kanyang ikalawang taon bilang coach ng Hotshots, napanalunan ni Victolero ang una nyang PBA title na tumapos sa four-year championship drought ng koponan mula ng manalo sila noong 2014 ng Grand Slam.

Gaya ni Austria, dati ring Coach of the Year awardee si Cone kasama ng iba pang winners ng nasabing parangal na sina Yeng Guiao, Jong Uichico, Ryan Gregorio, Derrick Pumaren, Perry Ronquillo, Boyet Fernandez, Siot Tanquingcen, Luigi Trillo, ang yumaong si Ron Jacobs at ang nag-iisang 5-time winner nito na si Chot Reyes.

Makakasama namang patangalan ni Victolero ang iba pang mga awardees na pinangungunahan ni Danny Floro Executive of the Year winner Alfrancis Chua na sya ring Sports director ng SMC.

-Marivic Awitan