SHOWING na sa January 23 ang pelikulang Born Beautiful, isang sex-comedy film na pinagbibidahan ni Martin Del Rosario. Sa aming panayam sa aktor bago ipalabas ang uncensored o uncut version ng film sa UP Cine Adarna last January 18, nalaman naming Rated-18 ang pelikulang idinirek ni Direk Perci Intalan.

Martin copy

Kaya naman umaapela si Martin sa pamunuan ng MTRCB na bawasan ang rating o gawing Rated-16 ang kanilang pelikula para magkaroon ng chance ang ibang millenials na mapanood ang Born Beautiful.

“Hindi naman po sex ang tema ng Born Beautiful, more on mga aral na mapupulot sa pelikula,” ani Martin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa katunayan, napuno ng hagalpakan at palakpakan ang UP Cine Adarna sa mga eksena nina Lhou Veloso at kanyang mga gay friends (bilang make-up artist ng mga patay) at kay Paolo Ballesteros na may special participation sa movie.

Maaga pa lang ay SRO na ang UP Cine Adarna dahil sa rami ng mga gustong manood ng Born Beautiful na bukod sa mga love scenes ni Martin with Kiko Matos at Akihiro Blanco, masasabing matino ang pagkakagawa ng Born Beautiful, kaya nakapagtataka na hindi ito nakapasa sa panlasa ng Selection Committee ng 44th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 2018. Baka raw sa mga maseselang salita na pinakawalan ng mga karakter ng Born Beautiful ang isa sa mga dahilan kaya naligwak ito sa MMFF.

Ipinagmamalaki naman ng prodyuser na si Jun Lana at Direk Perci ang pagkakapili kay Martin bilang replacement ni Christian Bables dahil nagampanan niya nang higit pa sa inaasahan ang karakter ni Barbs.

Habang pinapanood namin ang Born Beautiful, ang karakter ni Barbs at hindi si Martin ang aming nakita. Bilang si Barbs na isang contesera sa mga beaucon (gay beauty pageant) malaki ang pagkakahawig ni Martin kay Dawn Zulueta sa mga eksena niya.

“Sabi nga ni daddy, ang ganda-ganda ko,” natatawang kuwento ni Martin. “Napaka-supportive ni daddy while filming Born Beautiful, madalas nasa set siya para suportahan ako.”

Sa BB, muling pinatunayan ni Paolo na siya ang King of Make Up Transformation ng Pilipinas dahil mahirap nang mahigitan ang pagkopya niya sa mukha ng imahe ni Blessed Virgin Mary na humamig ng nakabibinging palakpakan mula sa mga audience.

-ADOR V. SALUTA