SIX months ago, unang napanood ang tinawag na ‘little people’ na si Jo Berry nang gampanan niya ang real life story niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco. Nasundan agad ito ng kunin siya ulit ng GMA Network, to play the title role of their new heart-warming primetime series, ang Onanay.

Jo copy

She is Onay in the story na may bone growth disorder kaya hindi siya lumaking may normal height. Very positive sa buhay, nagkaasawa ng normal guy, nagkaroon ng dalawang normal daughters, sina Rosemarie/Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos) pero nagsimula ang paghihirap sa buhay niya nang ma-rape siya ng hindi kilalang lalaki, at nang kunin sa kanya ang panganay niyang anak na si Rosemarie ng biyenang si Helena (Cherie Gil). Inilayo sa kanya ang anak at pinalabas na namatay hanggang sa mag-ampon ng anak si Onay, si Natalie. Katulong niya sa buhay ang ina niyang si Nelia (Nora Aunor) at si Maila na minahal siya nang labis at kahit inaapi niya ay hindi siya iniwanan.

Isa ang serye sa itinuring na blessing ni Jo, na patuloy na sinusubaybayan ng netizens gabi-gabi after ng Cain at Abel.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ngayon ay tuloy ang laban niya kay Helena dahil nakakuha sila ng mga kakampi sa katauhan ni Atty. Lucas (Wendell Ramos) at sa kapatid ni Nelia na si Dante (Gardo Versoza). Bakit ganoon kalapit si Lucas kay Onay at sa anak nitong si Maila?

Ikatlong season na ang Onanay dahil extended sila. Biro tuloy kay Jo ay mayaman na siya.

“Hindi po naman, sabihin na nating nakakaluwag-luwag na rin po,” nakangiting sagot ng diminutive actress. “Masaya po ako, nakakatulong na ako nang malaki-laki sa family ko. Noon pong Christmas at New Year, nakatulong na ako magkaroon kami ng mas masaganang handaan kaysa noong nakaraan. I’m really thankful to God for all the blessings He has given me.”

Biniro si Jo kung may love life siya ngayon. Inamin naman niya na nagkaroon na rin siya ng romantic relationships in the past, with tall, normal men.

“Right now po, wala akong karelasyon. Mas focus ako ngayon sa work ko at mahirap silang pagsabayin. Siguro po, darating din iyon sa tamang panahon. Right now, mas concerned ako kung paano labanan si Helena at mapapayag ko si Rosemarie na sumama na sa akin.”

Another blessing na labis pang ipinagpapasalamat ni Jo ang bagong project na ibinigay sa kanya ang GMA. May nakalinya na siyang pelikula kahit hindi pa nila alam kung hanggang kailan pa tatagal ang kanilang teleserye.

“Hindi pa po ako allowed na ikuwento kung ano ang movie project na gagawin ko baka po ako mapagalitan, but I feel triple blessed na this time pa lang, and I’m really grateful to God.”

-NORA CALDERON