SAN FABIAN, Pangasinan – Nanawagan kahapon sa pamahalaan ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na palawakin pa ang ipinatutupad na gun ban o ang kampanya kontra sa illegal na baril, lalo ngayong panahon ng halalan.
Sa apela ng nasabing provincial government, tinukoy nito na malaking tulong ito para maiwasan ang pagdanak pa ng dugo sa bansa.
Binanggit na sapat na ang mga insidente ng pamamaslang sa La Union, Pangasinan, at ilocos Sur, nitong mga nakaraang buwan na may kaugnayan sa politika.
Dapat ding umanong maging alerto ang mga awtoridad sa pagbabantay upang hindi na maulit pa ang mga nakaraang insidente ng pagpatay sa mga incumbent official ng pamahalaan.
-Liezle Basa Iñigo