Bago pa nadepensahan ang kanyang titulo ni Eight-division boxing world champion at reigning WBA (Regular) Welterweight World Champion Manny “Pacman” Pacquiao kontra kay Adrien Broner na ginanap sa Las Vegas Nevada kahapon, pinangunahan nang batiin ng kanyang dating karibal na si Floyd “Money” Mayweather sa backstage ng MGM Grand Garden Arena.
Ayon sa report, mismong si Mayweather Jr. ang siyang lumapit sa Pambansang Kamao ng Pilipinas habang ito ay nagwa warm-up bago ang kanyang laban.
Huling nagsagupa ang dalawang boxing legends noong Mayo ng 2015, kung saan nagwagi si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision matapos ang 12 rounds.
Posible umano na masundan pa ang sagupaan na ito nina Pacquiao at Maywweather lalo ngayon na nagwagi ang Senador sa kanyang laban kontra kay Broner.
Una nang nagretiro si Mayweather,sa kanyang boxing career noong 2015 kung saan ay may iniwan itong record na 50-0 bilang professional boxer at naging five-division world champion.
Ngunit bumalik sa boxing ring si Mayweather noong 2017 para sa isang labanan ng pera kontra kay UFC superstar Conor McGregor, kung saan nagwagi ang una via TKO sa ikasampung round.
Huling nabiktima ni Mayweather ang batang Japanese kickboxing star na si Tenshin Nasukawa sa isang exhibition match na ginanap sa Japan bago maghiwalay ang taong 2018.
-Annie Abad