NAGING emosyonal sina JM de Guzman at Kean Cipriano nang kanilang balikan ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan bilang magkaibigan.

JM at Kean copy

Sa kamakailang episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN, ibinahagi ng lead vocalist ng pop rock/ alternative rock band na Callalily kung gaano siya ka-proud kay JM bilang aktor at bilang tao dahil sa mga napagtagumpayan ni t ong l a b an s a buhay.

“ Sobr a akong natutuwa tuwing nakikita ko si JM na may project, tumutugtog siya,” panimula ni Kean.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“’Di ko alam kung anong meron sa taong ’to pero siguro more than anything ang meron din kasi siguro talaga siyang… mabuti kasi ang puso eh and magaling,” dagdag pa niya.

“Siguro hindi lang din ‘yung galing at ‘yung puso niya pero may magic eh. Something na hindi mo ma-explain kay JM, na meron siguro siyang mission at purpose sa industry na ‘to na kailangan niyang gawin kaya nangyayari at nangyayari.”

Nitong nakaraang taon nagtapos si JM ng three-year drug rehabilitation program sa Self Enhancement for Life Foundation (SELF). Bago ito, lumayo muna siya sa limelight makaraang kumpirmahin ang kanyang substance abuse relapse. Nang mga panahong iyon, ginagawa niya ang romantic-fantasy drama noong 2015 na All Of Me.

Ngunit nang mabigyan ng pagkakataon na makabalik sa telebisyon noong nakaraang taon, kaagad niyang natanggap ang proyektong Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na pinagtambalan nila ni Barbie Imperial. Tumagal ng anim na buwan ang kanilang show.

Last year din ay nagbalik siya sa big screen sa pamamagitan ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala kasama si Rhian Ramos. Ngayong 2019, nakatakda namang gumawa ng project si JM kasama si Arci Muñoz.

T i n a n o n g s i JM k u n g anong mga natutuhan niya sa lahat ng pinagdaanan niya. “Well, ’yung tunay mong kaibigan, sila talaga ’yung iintindi sa ‘yo. Sila lang ’yung aabot sa lalim na pag-iisip na ito, ’yung ‘kailangan ng kabigan ko’, ito ’yung tough love na kailangan ng kaibigan ko’. Na hindi porke’t wala diyan ’yung kaibigan mo or whatever wala silang pakialam sa ‘yo.

“Proven ’yun, hanggang ngayon, ’pag nagkikita kami ni Kean, as in iba ’yung energy.”

Binanggit niyang ang mga “real friends”, bukod sa kanyang pamilya, ang mga taong tumulong sa kanya para makaahon sa kanyang mga pinagdaanan.

“Maingay kami ’pag nagkikita kami kasi naging totoo kami sa isa’t isa. Alam namin ’yung baho namin, ng isa’t isa. Muntik pa nga kaming mag-away dati, pero ganu’n ’yung tunay na magkaibigan, transparent. And so ngayon mas tumibay ‘yung friendship namin,” paliwanag ni JM.

“So ’pag nakahanap ka ng isang mabuting kaibigan na totoo, na solid sumuporta, ’wag mo nang pakawalan. ’Yun ’yung isa kong natutuhan. At isa du’n si Kean,” aniya pa.

Emosyonal na sagot ni Kean: “Ako naman du’n sa friendship na nabuo namin ni JM, kung meron akong natutuhan – na hindi mo kailangang dapat araw-araw kasama mo lagi ’yung tao para masabi mo na kaibigan mo siya.

“(At) Lagi at laging kayang buma n g o n n g i s a n g t a o s a pagkakadapa. ’Di ko nga alam kung dapa ba talaga ‘yung tawag du’n o nabatukan ka lang nang konti para matuto. Pero ’pag kaibigan mo, kaibigan mo kahit ano pa ’yan.

“Parang kahit ano pang ugali niyan. Kahit ano pang pagdaanan niyan… at araw-araw nagbabago ang isang tao. Kahit nga asawa mo nagbabago every single day, ano pa ’yung kabigan mo? So ang gagawin mo lang talaga ay mahalin ‘yung tao na ‘yun sa kahit ano pang paraan.

“Siguro natuwa lang din ako na may matinding friendship akong nahanap sa industry na ‘to, at ‘yun ay kay JM.”

Tinapos ng dalawa ang interview with a hug.

-STEPHANIE MAE BERNARDINO