Inihihirit ng mga manufacturers ng de-latang sardinas ang taas-presyo sa kanilang mga produkto.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang kumpanya ng mga de-latang produkto na magbaba ng presyo, matapos na magtaas-presyo nitong Pasko

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, iginigiit umano ng manufacturers ng sardinas ang taas-presyo dahil nagmahal ang isdang tamban.

Para sa kalihim, dapat na manghimasok muli ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) sa problema sa input para sa mga de-latang sardinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naniniwala naman si Lopez na hindi dapat magtaas ng presyo, at ipako lang sa limang porsiyento ang taripa sa mechanically-deboned meat na ginagamit sa mga karneng de-lata, para maiwasan ang taas presyo ng nasabing produkto.

-BETH CAMIA