BAGUIO CITY – Walang sapat na dahilan upang magbataas ng presyo ng gulay sa Cordillera region, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ito babala kahapon ni DA Officer-in-charge, Dr. Cameron Odsey, sa mga mapagsamantalang middleman o trader sa Cordillera.

Katwiran ni Odsey, nananatiling matatag ang supply ng mga highland vegetables sa merkado at stable rin presyo ng mga ito.

Aniya, ang sinasabing frost o andap na nakasisira sa gulay ay napakaliit na bahagi lamang ang apektado sa rehiyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matagal na rin aniyang pinaghandaan ng mga magsasaka ang pagtama ng andap upang mapigilan ang pagkasira ng kanilang pananim.

Nilinaw ng DA, nangyayari ang frost kapag bumababa ang temperatura at malimit itong nararanasan sa bahagi ng vegetable farm sa Barangay Paoay, Atok sa Benguet.

Wala rin aniyang katotohanan ang ulat na nagkukulang ang supply ng gulay kapag nagkakaroon ng frost kaya tumataas ang presyo ng mga ito sa merkado.

-Rizaldy Comanda