Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mamili rin sa mga supermarket, dahil sa totoo lang ay mas murang mabibili roon ang ilang produkto kaysa palengke.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mabibili sa mga supermarket ang nasa P50 kada kilo ng bigas at asukal, at P90-P100 kada kilo ng manok.

Iginiit pa ng DTI na dapat magbaba ng presyo ang ilang manufacturers, lalo na sa condensed milk, de-lata, at iba pang produktong nagtaas ng presyo noong Pasko.

Masaya namang ibinalita ni Lopez na walang masyadong epekto sa presyo ng mga bilihin ang ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo ngayong buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang pinangambahan ng ilang grupo na dahil sa dagdag pang buwis sa langis ay tumaas ang presyo ng mga bilihin, gaya ng nangyari noong mga unang buwan ng nakalipas na taon.

-Beth Camia