AMINADO si Julia Barretto na may mahigpit siyang kalaban sa puso ng ka-love team niyang si Joshua Garcia—ang computer, na ever since ay kinahihiligan ng aktor. Nauubos daw ang oras ni Joshua sa kaka-computer.

Joshlia copy

“When I was abroad to spend the holidays ay panay ang aking text pero walang reply. It took him quite a while bago sumagot,” kuwento ni Julia tungkol kay Joshua.

“Fixation niya ang computer. Sabi ko sa aking sarili ay mas okay na ito kaysa mabalitaan kong nakikipag-date siya sa ibang babae.”

Tsika at Intriga

Sisteret ni Aira Lopez, ‘di nililigawan ni Wille Revillame

Ini-reveal din ni Julia na pinupuna ni Joshua sa tuwing magsusuot siya ng sexy attire.

“Medyo may pagka-conservative po siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na bahagi ito ng pagiging artista, and besides, I feel comfortable in them,” sabi ni Julia.

Dumaan na rin sa maraming obstacles ang relasyon nina Joshua at Julia. Happily, it has survived.

Naikuwento rin ng aktres na sa pagbabakasyon niya sa Amerika ay nagkaroon siya ng panahon para mag-soul searching, na ayon sa batang aktres, she badly needed.

Sa nasabing soul-searching din na-realize ni Julia na para magtagal ang isang relationship “ay mahabang pang-unawa ang kailangan”.

Nagtapos na kahapon ang teleserye ng JoshLia sa ABS-CBN na Ngayon At Kailanman, at napabalitang gagawa naman ng pelikula ang love team.

-REMY UMEREZ