HINDI kaila na marami at matindi ang pinagdaanan ni JM de Guzman, na matapos ma-rehab ay matagumpay na nakabalik sa showbiz.

jm de guzman copy

“Music saved my life,” sinabi ni JM nang mag-guest siya kamakailan sa Magandang Buhay upang i-plug ang concert niya sa Music Museum sa February 1.

Pinasalamatan din ng aktor ang suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa sa mga tumulong kay JM na makabangon at magsimulang muli ay si Kean Cipriano. Nagkakilala ang dalawa when they were doing Ang Babae sa Septic Tank, and became close friends since then.

“Ayaw niyang makihalubilo at parating nagkukulong sa kwarto,” kuwento ni Kean. “Pilit ko siyang pinababangon at niyayakag umikot. Dama kong may malaki siyang problema.

“Support from friends makes you recover fast at hindi kailangang magkita kayo everyday para umalalay. I made him feel na I’m here anytime at handang makinig.

“I saw in him na determinado siyang magbago at mahalin ang sarili. Very rare in the industry ang katulad ni JM na muling nakabangon,” sabi pa ni Kean.

Love Goes On ang pamagat ng concert ni JM. Halaw sa personal na pananaw ni JM tungkol sa pag-ibig ang titulo ng kanyang concert.

“You have to go on loving kahit nakaka-paralyze ito,” paliwanag ni JM.

-Remy Umerez