Mahigit 500 immigration officers (IOs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang binalasa ng Bureau of Immigration (BI) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng lokal at banyagang turista ngayong taon.
Ipinag-utos ni Commissioner Jaime Morente ang reshuffle kasunod ng kanyang mandato na palitan ang terminal assignments ng mga IO, na humaharap sa mga pasahero sa NAIA bawat quarter.
Ayon sa BI chief, ang rotation scheme ay epektibong panlaban sa katiwalian.
Aniya, walang exempted sa patakaran, na unang ipinatupad noong 2017.
Sabi ni BI Port Operations Chief Grifton Medina na pangunahing layunin ng scheme ay maiwasan ang fraternization sa mga empleyado, na itinuturong pangunahing pinagmumulan ng katiwalian sa gobyerno.
-Mina Navarro