INAASAHANG lilikha ng mga bagong kampeon laban sa mga beterano at season breeders sa paglarga ng World Slasher Cup 2019 simula sa Enero 28 sa Araneta Coliseum.

ANG mga pamosong kampeon sa World Slasher Cup (mula sa kaliwa) Magno Lim at Gerry Tesorero; Frank Berin; Patrick “Idol” Antonio; at Rey Briones.

ANG mga pamosong kampeon sa World Slasher Cup (mula sa kaliwa) Magno Lim at Gerry Tesorero; Frank Berin; Patrick “Idol” Antonio; at Rey Briones.

Tampok ang mga entry ng mga pamosong breeders sa ‘sabong nation’, labanang umaatikabo ang mapapanood sa unang bahagi ng pinakamalaking sabong tournament sa bansa. Maging ang reigning champion na si Patrick “Idol” Antonio – nakamit ang ika-pitong WSC – ay hindi ligtas sa pagdagsa ng mga matitikas na karibal na handing kumalaban sa kanyang Boston Sweaters ni Inguel Ignacio.

Tampok din ang mga beteranong sina Doc Ayong Lorenzo tangan ang kanyang alagang Dan Gray crossed with Claret, at ang Sweater Yellow-Legged Hatch, gayundin si PitGames CEO Manny Berbano, sa kanyang 5k Sweaters crossed with Yellow-Legged Hatch of DinkFair, at Mel Sims black Kelso Greys of Bobby Fairchild.

Ang mga dating kampeon na sina Frank Berin, media man Rey Briones, the Escolin brothers, at Magno Lim at Gerry Tesorero ay inaasahang magpapalabas ng kanilang palabang entry.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Hindi rin matatawaran angmga foreign participants tulad nina Marty Bently ng Ohio; Erik Rosales, Robert Dominquez, Bruce Brown ng California; Butch Cambra ng Hawaii; Nathan Jumper of Mississippi; Tim Fitzgerald ng Utah; Bobby Fairchild ng Kentucky; Black Bonanza Brent Douglass at Ernest Atkins ng Tennessee.

Sa mga interesadong lumahok sa nine-cock invitational derby, makipag-ugnayan sa WSC Derby Office sa 588-8227 at 911-2928; o magpatala sa on-line registration sa www.worldslashercup.ph.

Ang unang tatlong araw ng kompetisyon ay 2-cock Eliminations mula Enero 28-30, habang ang 3-cock semis ay sa Enero 31 hanggang February 2; at ang 4-cock Pre-Finals ay sa February 3-4, at ang 4-cock Grand Finals ay sa February 6.

Ang World Slasher Cup 2019 ay suportado ng Emperador at Powertrac.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin an gFacebook page (@realworldslashercup); website www.worldslashercup.ph ; at email [email protected].