ILOILO CITY – Bumagsak ng 50 porsiyento ang dumagsang turista sa Boracay Island kasunod na rin ng paghihigpit at rehabilitasyon ng pamahalaan sa lugar.

Sa datos ng Department of Tourism (DOT), natukoy na aabot lamang ng 930,363 na turista ang bumisita sa isla nitong nakaraang taon.

Paliwanag ng DOT, mas mababa ito kumpara sa mahigit sa dalawang milyong turistang dumayo sa nasabing isla noong 2017.

“That’s a difference of more than 1 million tourists,” ayon kay DOT regional director for Western Visayas Helen Catalbas,

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bukod dito, bumaba rin ng kahalating porsiyento ang nakolektang buwis ng pamahalaan nang maitala ang P28 bilyong koleksyon noong 2018 na mas mababa kumpara noong 2017 sa nakolektang P56.4 bilyon.

-Tara Yap