Pagdating sa mga karangalan, may iilang atleta sa mundo na nagsasabing kaya nilang pantayan ang mga naabot ni Manny Pacquiao.
Si Pacquiao, ang nag-iisang eight-division World Champion ay lumaki sa hirap noong bata pa siya sa General Santos City, Philippines.
Habang mahirap pantayan ang kanyang mga naabot, sapat na sa Team Lakay na tumulad sa karakter ni Pacquiao.
“Pacquiao showed us that everything can be achieved in life if you work hard,” sabi ng ONE Strawweight World Champion na si Joshua “The Passion” Pacio.
“Poverty is not a hindrance to achieving success as what Pacquiao had proven in his own life.”
Higit pa sa mga karangalang natanggap ni Pacquiao, ang pagiging mapagpakumbaba niya ang isang katangian na hinahangaan ng karamihan, ayon kay ONE Flyweight World Champion, Geje “Gravity” Eustaquio
Ang 40 anyos ma Pambansang Kamao ay naging isang halimbawa ng isang atleta na hindi nagpaapekto sa kasikatan sa kanyang mga paniniwala bilang atleta.
“Manny Pacquiao encourages everyone to have proper discipline and compete with the right perspective. He showed us that we need to rise above our limitations, rise from our failures and learn from our mistakes,” sabi ni Eustaquio.
“But most of all he showed us how to remain humble in victory and praise God in everything that we do.”
Tulad ni Pacquiao na nakatakdang depensahan ang kanyang WBA Welterweight Title mula kay Adrian Broner sa Enero 20 (Manila Time), ang Team Lakay ay umaasang manatili sa Pilipinas ang mga titulo.
Si Pacio ay nakaplanong depensahan ang kanyang Strawweight World Title mula kay Yosuke “Tobizaru” Saruta sa ONE: ETERNAL GLORY sa Enero 19 sa Istora Senayan, Jakarta, Indonesia at dedepensahan din ni Pacio ang kanyang Flyweight World Title mula kay Adriano “Mikinho” Moraes sa ONE: HERO’S ASCENT sa Enero 25 sa Mall of Asia Arena, Pasay, Philippines.
“All of us have one goal and that’s to bring honor to the country. Just like our Pambansang Kamao we will be definitely doing our best to come out victorious and keep the belts here in the Philippines,” bahagi ni Eustaquio.