HINDI pala inakala ni Janine Gutierrez na magiging artista siya, dahil noong bata pala siya, sa tuwing tatanungin siya kung mag-aartista siya ay laging “ayoko” ang sagot niya.

Janine at Enchong copy

“Gusto ko lang maging pasaway,” sabi ni Janine, sabay tawa. “Kasi bilang lahat ng nakikita ko around me artista, I felt like ‘try ko kaya ng iba’. Gusto ko kasi rati na iba ako, iba ako.

“But when I grow up, I realized that kaya pala ito ang ginagawa ng parents ko (Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez) at lola ko (Pilita Coralles at Nora Aunor) kasi masaya. At kung passion mo talaga, sobrang fulfilling (at) kung gusto mo ‘yung ginagawa mo talagang babalik din sa ‘yo ‘yung trabaho na gusto mong ma-try.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“It was also hard for me na marami akong relatives na artista, kasi sobra ‘yung pressure. Kahit na newbie ka pa lang, medyo expected na kailangang marunong ka or natural ‘yung talento mo, kasi nakita na nila ‘yung kakayahan ng parents and grandparents mo. So I guess double edge rin kasi you have to prove yourself a little more kasi nga may expectation,” paliwanag ng dalaga.

At ang biggest influence ni Janine ay ang nanay niyang si Lotlot, na kilalang mahusay umarte.

“Kasi noong bata ako, pinapanood ko ‘yung mga love team movies niya, may mga dance numbers pa. Ang favorite ko ‘yung Love Boat (1988) nina Mama at Papa. Hanggang sa I grew up, ‘yung mga roles niya naging dramatic na, naging award-winning actress siya, so I saw that despite of sa tagal niya sa showbiz, hindi nawala ‘yung passion niya at saka ‘yung pagsisikap niya, kaya doon ko (nasabi sa sarili), subukan ko kaya,” kuwento ni Janine.

Nakatsikahan si Janine sa mediacon para sa pelikulang Elise, na siya mismo ang bida, mula sa Regal Entertainment, kasama sina Enchong Dee, Laura Lehmann, at Miko Raval mula sa direksyon ni Joel Ferrer.

Ano ang pagkakahawig ni Janine sa karakter niyang si Elise?

“Si Elise very palaban, matapang walang inuurungan ganu’n. Ako kasi kung mayroon akong gustong suntukin, hanggang sa isip ko lang. Si Elise kung meron siyang gustong suntukin, susuntukin talaga niya. At she’s not apologetic for herself and talagang ipaglalaban niya ang mga mahal niya sa buhay.

“I guess doon kami pareho sa ipaglalaban ang mga mahal sa buhay. Pero ako wala pa akong nasusuntok. So doon siguro ang pagkakaiba namin,”pahayag ng aktres.

Ang kuwentong Elise ay inspired by true events ni Direk Joel, na siya mismong sumulat. Noong sinusulat niya ang pelikula ay sobra siyang in love.

Tungkol sa first love ang kuwento ng Elise, kaya tinanong si Janine tungkol sa una niyang pag-ibig.

“Medyo ‘pag iniisip, masakit na nakakatawa. Kasi alam mo ‘yung first love ko hindi naman kasi masyadong seryoso. Iba kasi ang first love, ‘iyon na ‘yung one great love ganyan. ‘Yung sa akin kasi, parang crush na crush ko lang talaga siya.

“Pero sobrang na-heartbreak ako, at akala ko nu’ng mga panahon (na ‘yun), akala ko guguho ang mundo. Pero ngayon natatawa ako ‘pag (naiisip ko). An’yare sa akin? So, for me, masakit na nakakatawa,” natatawang kuwento ni Janine.

Nagkatanungan ang ilang katoto kung sino nga ba ang first love ni Janine, dahil natatawa na lang siya kapag naalala niya ang guy?

Samantala, may kissing scene sina Janine at Enchong, at inamin ng dalaga na sobrang kabado siya.

“Nagamit ko naman kasi ninerbyos ‘yung karakter sa eksena. So, ninerbyos talaga ako. Nakakatawa lang kasi si Enchong, ang na-awkward kasi best friend niya si Rayver (Cruz). Joke niya pagkatapos ng eksena, sabi niya, ‘I think I lost a friend.”

Si Rayver ay nauugnay kay Janine, pero hindi pa inaamin ng dalaga kung sila na nga ba kahit na exclusively dating sila hanggang sa ibang bansa.

Mapapanood na ang Elise sa Pebrero 6, bilang Chinese New Year offering ng Regal Entertainment.

-REGGEE BONOAN