Nakipagpulong na sa militar ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang maisulong ang mapayapang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa darating na Enero 21.

Ayon sa militar, nagtungo ang grupo ni MILF chairman Al Hajj Murad Ebrahim, sa 6th Infantry Division (ID) headquarters sa Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao kung saan nakadaupang-palad nito si 6th ID commader, Maj. Gen. Cirilito Sobejana.

Tinalakay ng dalawa ang pagkakaroon nila ng koordinasyon, lalo na sa mga lugar na mayroong presensya ng nasabing Islamic group sa layuning magkaroon ng democratic space ang mga ito habang isinasagawa ang plebisito sa Lunes.

Pinag-usapan din ng dalawa ang security updates sa rehiyon tungo sa mapayapang plebisito.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Binigyang-diin namna ni Ebrahim na matagal nang natapos ang pakikipaglaban ng MILF sa gobyerno.

Iginiit din nito, hindi kaaway Islamic group ang gobyerno sapagkat ang tunay na kalaban umano nila ang oppression o pang-aapi, pagsasamantala at kawalan ng hustisya.

Umaasa rin si Ebrahim na sa pamamagitan ng BOL ay maibibigay na ang patas na pamumuhay sa kanilang hanay at magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

-Fer Taboy