May kinuha si Joshua “The Passion” Pacio mula sa Japan na gustong bawiin ni Yosuke “Tobizaru” Saruta.

Yosuke Saruta (ONE Championship photo)

Yosuke Saruta (ONE Championship photo)

Ang 31 anyos na martial artist ay gustong ibalik ang ONE Strawweight World Title sa Japan na nakuha ni Pacio nang matalo niya ang kasamahan ni Saruta na si Yoshitaka “Nobita” Naito noong nakaraang taon.

Ngayon, ang tiga Saitama, Japan na si Saruta ay magkakaroon ng pagkakataon na mabawi ang titulo kay Pacio sa main event ng ONE: ETERNAL GLORY na gaganapin sa Istora Senayan, Jakarta, Indonesia sa Sabado, Enero 19.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Naito used to be the ONE Strawweight World Champion. Joshua Pacio took the belt from “Nobita” and I intend to take it back, “sabi ni Saruta.

Ang pagsikat ni Saruta ay mas mabilis kaysa sa kanyang inaasahan pero ang dating Shooto Champion ay nagpapasalamat sa opurtunidad na makalaban ang mga top fighters sa division ngayong taon.

Naganap ang kanyang promotional debut noong natalo niya si Alex “Little Rock” Silva noong Disyembre na naging daan upang makalaban niya si Pacio ngayong Enero.

“I thought I’d be getting the World Title match in 2019, but it came much earlier than I expected,” sabi ni Saruta.

“I want people to know my name as the toughest Japanese athlete, and I will be the World Champion.”

“My goal is to be a ONE Strawweight World Champion and bring honor back to mixed martial arts in Japan. I know I have a tough task ahead but I believe my hard work and strengths will lead me to victory.”