SADYANG pinag-aralan pala ni Arjo Atayde ang karakter niyang may autism sa seryeng The General’s Daughter. Marami raw siyang pinanood na pelikula at videos bukod pa sa immersion na ginawa niya sa isang restaurant na ang mga staff ay nagtataglay ng ganitong kondisyon.

arjo

Kuwento ng aktor tungkol sa kung paano niya inatake ang karakter niya, “I’m a visual learner, I like watching movies, observing people. I’m very observant. Si Direk Manny, actually, I was trying to contact when he’s not busy, then he got me contact one day sabi niya, ‘there’s a restaurant there in the area having same condition as me and same age are serving.’ So, I observed and talked to them, thankfully the owner actually was open to the idea. Si direk Manny, sinamahan po ako.

“I watched so much, so much movies and videos of behaviors on Youtube tapos may assignment to myself na iyon ang pampatulog ko every night. Studying all the character from head to toe if I can and I don’t know if possible the first day on the set I was close to palpitate already from Direk Manny, ‘Nay Maricel and Angel on the set.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

I was so prepared, thank you for the guidance of Dreamscape and Direk Manny and the production.”

Dagdag naman ni Direk Manny, “actually si Arjo, siya ‘yung pinakakaibang preparation na ginawa rito, kasi ‘yung ibang characters, ‘yung paghahanda nila immersion sa kampo.

“Si Arjo iba, saka he comes prepared, everyday in character na siya. Minsan nalilito ako kung siya pa ba si Arjo o ‘yung karakter niya (Elai). Siya talaga ‘yung tumawag sa akin for peg, we identified some films and I contacted people whom we can talk to. So the next time na nakita ko siya (Arjo), in character na.”

Kaya pala iisa ang paglalarawan sa kanya na pagdating sa set ay alam na niya ang gagawin at anytime puwedeng sumalang.

Hindi kataka-takang perfect 10 ang score na ibinigay sa kanya ni Maricel Soriano pagdating sa pag-arte.

Nagpasalamat naman ang aktor sa papuring ibinigay ni Diamond Star sa kanya.

“Thank you ‘Nay and it’s an honor to be working with each and everyone here from ‘Nay Marya to Direk Manny (Palo). I’ve worked with Direk Mervyn and tito Albert (Martinez). And the rest of the cast, first time kong maka-trabaho and it’s overwhelming.

“So powerful each and character they’re portray, we all have the same purpose which is to give a good show and be a team and pull this off and let’s see if we can at the top by working and praying all together,” say ng aktor.

Gusto rin naming ibahagi na pagdating daw ni Arjo sa set ay kukunin na niya kaagad ang bato na props niya sa buong taping, na hindi niya binibitawan at maski off-cam na ay hindi pa rin kumakawala ang aktor sa autistic character niya.

“Maski na break time na, like lunch or dinner break, in character pa rin si Arjo at nakikipag-usap siyang ganu’n,” pagtatapat sa amin ng taga-prod.

Hala, mabuti hindi nadadala ni Arjo ang character niya sa bahay nila.

-Reggee Bonoan