MATAPOS ang matagumpay na kampanya ni Yuka Saso sa 2018 Asian, may tsansa ang Fil-Japanese na makalikha ng kasaysayan sa major event ng LPGA nang padalhan siya ng imbitasyon ng Augusta National Women’s Amateur para maglaro sa Abril.

Sa sulat ni ANWA chairman Fred Ridley, inanyayahan nito ang 18-anyos na si Saso na maglaro sa isa sa pinakaprestihiyosong golf event sa mundo.

Ang Augusta Master’s event ay taunang event ng golf na ginaganaap sa Georgia sa Estados Unidos at nilalahukan ng mga premyadong golfers sa buong mundo.

Ang nasabing paanyaya ay para sa pagbubukas ng prestihiyosong Master’s event kasama na dito ang men’s competition na dating nilahukan ng mga kilalang Filipino golfers na sina Golem Silverio, Ben Arda at Frankie Minoza.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Sakaling paunlakan ni Saso ang imbitasyon, siya ang magiging kauna-unahang Filipina golfer na makakapaglaaro sa presitihiyong event.

“As a Chairman and on behalf of our entire membership, it is my distinct hoinor and privilege to welcome you to the inaugural field. Because of your amazing skills and ability to inspire others, we believe this event will represent much more a golf tournament,” bahagi ng imbitasyon sa liham ni Ridley.

Ngunit, bago ang nasabing event, tatanggap muna ng karangalan si Saso buhat sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa gaganaping Annual Awards night sa Pebrero 26 sa Manila Hotel.

Si Saso ay isa sa mga Major Awardees ng grupo ngayong taon, kasama sina Hidilyn Diaz ng weightlifting, Margielyn Didal ng skateboarding at ang dalawng women golfers na sina Bianca Pagdanganan ay Lois Kaye Go.

-Annie Abad