IPINOST ni John Estrada ang photo nila ni Carmina Villarroel na kuha sa taping ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Kara Mia. Throwback ang eksena, pinabata ang dalawa, kaya pinagsuot ng wig si John at may bangs si Carmina, kaya bumata ang hitsura nila.

John at Carmina

Pati caption at hashtag ni John sa post niya ay may halong throwback din: “So thrilled to work with her again... KARA MIA... Soon sa GMA Telebabad. #baliktrabaho #palibhasalalakesiblings.”

Matatandaang matagal na nagsama sa sitcom noong 1990s na Palibhasa Lalake sina John at Carmina. Tama ba ang basa namin na magkapatid ang mga role nina John at Carmina sa Palibhasa Lalake? Pero sa Kara Mia, mag-asawa sila at mga magulang sila ng kambal na sina Kara at Mia na may iisang katawan. Sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang mga bida sa serye.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Maingay” na ang teleserye, kahit hindi pa man ito umeere. Curious kasi ang mga tao sa story, kaya naman napakarami na nitong memes online.

Isa sa kumalat na meme ay ang kay Sen. Manny Pacquiao, na talaga namang nakakaaliw and hopefully, hindi ito ika-offend ni Sen. Pacquiao.

May Kara Mia Challenge na rin ngayon, na karamihan sa kumakasa sa hamon ay female students.

Siguradong mas marami pang lalabas na memes hanggang sa mag-pilot ang Kara Mia sa February.

-Nitz Miralles