Inihayag ngayong Martes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad ito ng “stop-and-go scheme” sa EDSA at sa ibang panig ng Metro Manila sa kasagsagan ng pagbisita sa bansa ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena simula ngayon hanggang sa Sabado, Enero 19.

EDSA, Quezon City (MARK BALMORES, file)

EDSA, Quezon City (MARK BALMORES, file)

Batay sa inilabas na media advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs, dakong 10:50 ng gabi ngayong Martes inaasahan ang pagdating ni Sirisena sakay sa Singapore Airlines flight SQ 918 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa MMDA, posibleng mararanasan ng mga motorista ang pagkaantala ng daloy ng trapiko sa bisinidad ng airport sa Pasay City, sa mga kalsada sa Makati business district, sa Pasig commercial district, sa mga kalsada sa Maynila at Quezon City, na daraanan ng convoy ni Sirisena.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Base pa sa traffic advisory ng MMDA, ipaiiral ang “full stop” sa trapiko, at bubuksan naman agad kapag nakalampas na ang convoy.

Bella Gamotea