MAS maraming events, mas malaki ang tsansa na manalo.
Ito ang nakikitang paraan ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Abraham “Bambol” Tolentino upang makakuha ng mas maraming gintong medalya ang Team Philippines sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.
Kabuuang 520 events ang nais ni Tolentino na maaprubahan buhat sa 55 sports discipline na nakatakdang laruin sa biennial meet.
Ayon kay Tolentino, posibleng malapamsan ng Team Philippines ang 112 gintong medalya na napagwagihan sa nakalipas na hosting ng SEAG noong 2005 kung saan tinanghal na overall champion ang bansa.
Sinabi ng POC chairman, na kung magkakaroon ng mas maraming events ay mas malaki ang tsansa na makakuha ng mas higit pa sa 100 na gintong medalya.
Gayunman, hihintayin pa makumpleto ang ang mga event na nais ng mga bansang kalahok sa isasagawang SEAG Federation meeting.
Tatlong main venues ang pagdaraosan ng SEA Games – ang Manila, Clark at Sub habang tinitingnan na satellite venue ang Batangas, La Union at Tagaytay.
-Annie Abad