MAKALIPAS ang ilang taong hindi pamumuno sa Philippine Hajj delegation, muling magbabalik sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang tungkuling ito.
Nitong Enero 9, itinalaga ni Pangulong Duterte si NCMF Secretary Saidamen Pangarungan bilang Amirul Hajj o pinuno ng mga Pilipinong peregrine patungong Mecca ngayong taon.
Ayon kay Dr. Dimapuno Datu Ramos, Jr., pinuno ng NCMF Bureau of External Relations, bilang pinuno ng Filipino pilgrims, ang Amirul Haj ay inaasahang “well-versed on hajj rituals aside from having the necessary administrative skills.”
“Previously, the position was given to an MILF official, Vice Chair for Political Affairs Ghazali Jafaar, and not to the NCMF administrators,” aniya.
Sinabi ni Datu Ramos na sa ilalim ng Republic Act 9997, na lumikha sa NCMF, ang pinuno ng ahensya ang “automatically becomes the Amirul Hajj.”
Taong 2015 pa huling namuno ang isang opisyal ng NCMF bilang Amirul Hajj, sa pamumuno noon ni Mehol Sadain.
Gayunman, mula 2016 hindi kalihim ng NCMF ang itinalaga. Sa panahong iyon, sa dating Technical Education secretary Guiling Mamondiong ang itinalagang Amirul Hajj. Habang si Jaafar naman ang namuno noong 2017 at 2018.
“The absence of an NCMF Secretary during recent years prompted the temporary transfer of the designation to the MILF,” pagbabahagi ni Datu Ramos.
Aniya, madalas na nakikilahok si Pangarungan sa lahat ng mga pre-Hajj meeting “to personally ensure an issue-free hajj for the 2019 Muslim Filipino intending pilgrims.”
Tinatayang umaabot sa 7,000 Pilipino ang naglalakbay lumalahok sa hajj kada taon.
Ang paglalakbay patungong Mecca ay isa sa limang haligi ng Islam.
Ngayong taon, inaasahang mag-uumpisa ang hajj sa Agosto.
PNA