UMINGAN, Pangasinan – Napatay ang isang umano’y ng isang ‘gun-for-hire’ group matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Umingan, Pangasinan, kamakailan.

Sa report ng Umingan Police, agad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Juanito Molina, 44, umano’y pinuno ng Loida Gonzales syndicate, at taga-Bgy. Abot Molina ng nasabing bayan, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng mga awtoridad, pauwi na ang biktima, sakay ng motorsiklo at kaangkas ang kaibigan na si May Basa, ng East Umingan, nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking, lulan ng motorsiklo mula sa kanilang likuran sa bgy. Bantug, kamakalawa ng gabi.

Agad na pinaputukan ang biktima na hindi na nakaiwas dahil sa bilis ng pangyayari.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nakaligtas naman sa pamamaril si Basa.

Nagsagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at ang kanilang motibo.

-Liezle Basa Iñigo