Pinagmumulta ng Sandiganbayan si dating Talitay, Maguindanao Mayor Montasir Sabal kaugnay ng pagkakabisto ng mga paglabag nito sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) noong 2011, 2013, at 2014.

Ito ay matapos mapatunayan ng 6th Division ng anti-graft court na nagkasala si Sabal sa pagsisinungaling nito sa mga idineklarang ari-arian sa kanyan SALN.

Pinatawan lamang si Sabal ng multang P30,000.

Ang kaso ni Sabal ay nag-ugat nang mabigong ideklara sa kanyang SALN ang mga aria-arian nito, katulad ng residential house nito sa Lot 22, Block 19, Robinson Highlands, Buhangin sa Davao City, tatlong residential lot at lupain sa Barrio Biniruan, Cotabato City.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nauna nang kinasuhan si Sabal ng paglabag sa Section 7 (3 counts) ng Repblic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at paglabag sa Section 8 (3 counts) ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials) at paglabag sa Article 183 (3 counts) Revised Penal Code (perjury).

Gumaan ang ipinataw na parusa kay Sabal nang iurong ng prosekusyon ang isinampa nilang kasong perjury.

Pinalitan na rin ng dating alkalde ng “guilty” ang nauna nitong ipinasok “not guilty” plea nang isailalim ito sa arraignment proceedings, nitong nakaraang Enero 10.

-Czarina Nicole O. Ong