Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang unang 24-oras na pagpapatupad ng checkpoint ng Commission on Elections (Comelec) as buong bansa.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na may kabuuang 4,447 checkpoints sa buong bansa, at 25 katao ang nadakip sa unang 24-oras ng pagpapatupad ng checkpoint kaugnay ng election period na nagsimula nitong Linggo.

Ayon pa kay Albayalde, 27 armas ang nakumpiska ng pulisya, bukod pa sa 168 bala, pitong patalim, at 22 firearms replica.

Tatlo naman ang nasawi makaraan umanong manlaban nang harangin sa checkpoints.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Patuloy naman ang apela ng PNP sa publiko na makipag-cooperate sa mga awtoridad na nagpapatupad ng checkpoint.

-Fer Taboy