WORTH it ang pagpunta ng GMA news team sa New York para sundan at kumuha ng exclusive interview kay Miss Universe Catriona Gray.Ito ang mabilis na post ni Katotong Noel Ferrer sa Facebook nitong nakaraang Linggo ng gabi nang ipalabas ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang interview:“Now it’s easy to understand why KAPUSO MO, JESSICA SOHO is one of the most watched TV programs in the country.
“Ibang klase ang research at paghahanda nila sa kanilang mga feature - and it’s really full of warmth and sincerity. “Kitang-kita ‘yan sa Catriona Gray feature nila tonight - and more!!!“Bravo Jessica and Team KMJS!”
Match na interviewer at interviewee sina Jessica at Catriona.
Si Jessica ang journalist na tinitingala maging ng kanyang mga kapwa journalist. Kahit made na, diligent pa rin, never naglabas ng half-baked o malasadong feature. Si Catriona, beauty queen na hindi lang umasa sa ganda kundi pinupuno ng karunungan ang utak.
Sa interview kay Catriona, napakaraming natutuhan ng televiewers. Unang-una na siyempre ang pagkatao o character ng dalaga na ngayon pa lang unti-unting nari-reveal. Tila ba bawat himaymay ng katawan ni Catriona ay nahuhugutan niya ng inspirasyon para sa mga tagahanga niya.
Viral agad ang deklarasyon ng Miss Universe sa may kapintasan ang bawat babae.“Every woman has flaws or they’re not really flaws, but they just make us natural, it’s what we have as woman,” pahayag niya.Kaya hindi siya tulad ng iba na ikinahihiya o pilit itinatago ang stretch marks.
“I think it’s refreshing for people to see that, for young girls to look up and see, ‘Oh! She has tiger stripes too,’ you know. ‘Why shouldI feel like I need to hide them? Why do I not feel like I’m confident in them? I should be.’ And that’s the kind of dialogue I wanna start.”
Ani Jessica, sa ganda ni Catriona, hindi siya naniniwalang may stretch marks siya.“Who doesn’t have… right? It’s a part of being a woman.
I’m a regular person just like anyone else,” sabi ni Miss U.Ibinunyag din ni Catriona na mayroon siyang scoliosis, na hindi niya itinuring na hadlang sa buhay na gusto niya.“I think that was drawn out of proportion. Yes, I have scoliosis, but it has never stopped me. I feel like it was blown out of proportion a little bit.
Yes, I have scoliosis, yes it causes me discomfort, but that’s all,” kahanga-hangang wika niya.
“It has never made me cry, it has never put me in excruciating pain and I’ve never seen it as a barrier to what I wanna pursue and what I want to do…. so it’s just a part that makes me unique. It’s something that I’ve had or diagnosed with at 12 years old and it only causes me mild discomfort, that’s all.”
Sa naging takbo ng interbyuhan, perfect match sina Catriona at Jessica, ang dalawa sa mga halimbawa ng pinakamahuhusay na Pilipina sa ating panahon.
-DINDO M. BALARES