INIHAYAG na ang premiere date ng final season ng Game of Thrones.

Eksena sa 'Game of Thrones'

Inihayag ng HBO na eere ang unang episode ng ikawalo at huling season ng megahit series sa Abril 14. Ang pahayag ay sa pamamagitan ng video na ini-release ng network bago pa man ang premiere ng True Detective Season 3 nitong Linggo, ayon sa Variety.

Kaunti lang ang detalyeng ibinahagi para sa huling season ng Game of Thrones bukod sa anim na episode lang ito. Kahit na magtatapos na ang flagship series, maraming nakalatag na proyekto ang HBO na naka-set sa Game of Thrones universe.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The premium cabler has already ordered the project written by Jane Goldman to pilot. Goldman’s show takes place thousands of years before the events of Game of Thrones and chronicles the world’s descent from the golden Age of Heroes into its darkest hour. And only one thing is for sure: from the horrifying secrets of Westeros’ history to the true origin of the white walkers, the mysteries of the East to the Starks of legend–it’s not the story we think we know.”

Kamakailan ay inihayag din ang magiging main cast ng Goldman, na pangungunahan ni Naomi Watts. Ang iba pang mga miyembro ay kinabibilangan nina Josh Whitehouse, Naomi Ackie, at Jamie Campbell Bower. Si SJ Clarkson ang magiging direktor ng serye.