NAGING matagumpay gaya ng inaasahan ang unang araw ng 3x3 basketball fiesta ng Chooks-to-Go at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Cebu nitong Sabado.

Naitala ng Manok ng Bayan-SBP 3X3 ang bagong FIBA-record sa pinakamaraming kabataang naglaro ng 3x3 game sa Sisters of Mary School Boystown sa Minglanilla, Cebu.

May kabuuang 1,380 mga bata ang naglaro sa walong oras na SBP-sanctioned under-18 tournament na bumura sa dating record na 1,114.

“We at Chooks-to-Go are really elated with the turnout. But this victory is not ours alone. It’s the country’s achievement,” pahayag ni Chooks-to-Go President Ronald Mascariñas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I would like to express my heartfelt gratitude to the SBP and the sisters from SMS for making all of this possible.”

Kasama ni Mascariñas na naging mga panauhin sa nasabing event sina SBP executive director Sonny Barrios, Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio, Batang Gilas team manager Andrew Teh, at mga dating youth team stars Kobe Paras at Thirdy Ravena na nakilaro pa sa mga bata.

Ang nasabing proyekto ng SBP ay isinagawa sa 50 courts at pinamahalaan nina Mark Solano, Ryan Betia, Xander Gubat, Region XIII director Jerry Abuyabor ng SBP at SMS athletic director Van Parmis.

“I’ll put some religious context to this nung sinabi kong divine intervention, divine providence ito. God works in mysterious ways kasi by accident lang nalaman ng SBP na may ganitong klaseng number of courts. And we’re glad that we’re making history with these young kids,” sambit ni Barrios.

“It’s very overwhelming and heartwarming that we got into this partnership with Chooks-to-Go and the Sisters of Mary nuns para magawa natin ito ng sama-sama.”

-Marivic Awitan